TUMATABA KA

𝑛𝑖 𝑂𝑦𝑖𝑛𝑔 πΌπ‘ π‘–π‘‘π‘œπ‘Ÿπ‘œ

Nung Holy Week may mga nakita akong tao na matagal ko hindi nakita at ang bungad nila ay β€œUy Oying Tumaba ka.”

Ang sagot ko naman β€œActually pumayat na nga ako sa lagay na to. Umabot na ako ng 2XL, Large na lang ako ngayon.”

β€œAy ganun ba? Sorry naman, tagal kasi nating hindi nagkita.”

Hindi ko rin talaga alam kung saan naguugat ang ugali natin na ang timbang o itsura ng kausap natin ang una nating napapansin kapag matagal tayong hindi nagkikita kita. Naalala ko kasi kahit nung bata pa ako madalas ko nang marinig yang mga ganyang pagbati sa mga kamag-anak ko.

β€œIto na ba si Oying? Ang tangkad na.” Kaya para bang naging normal na yung mga ganung batian. Normal pero hindi tama.

Noon naiinis pa talaga ako kapag nasasabihan ng tumaba ka, hangang sa nagkasakit ako at bumagsak ang aking katawan. Akala ko talaga nung mga panahon na yun ay malapit na akong kunin ni Lord. Pero unti unti akong lumakas at bumalik ang dati ko pangangatawan.

Habang palakas ako ng palakas marami rin ang nagsasabi sa akin na β€œTumaba ka.” Pero ngayon hindi na ako naiinis, kasi alam kong maganda ang intention nila sa kanilang sinasabi.

β€œAlways read the text in context.” Sabi nga ni Fr. Jun Lingad ang Professor ko sa introduction to Sacred Scriptures. Wag mo lang daw pakinggan kung ano yung sinabi pero tingnan mo ang intention nya nung sinabi nya yun.

May mga maririnig tayong hindi maganda, pero unawain muna natin, dahil minsan mali lang ang pagkakasabi pero tama ang intention.
#GOTO
#GodOfTheOrdinary
#WFALoveConnects