KUYAS

π˜‰π˜Ί π˜‹π˜¦π˜’π˜― 𝘚𝘦𝘣𝘒𝘴𝘡π˜ͺ𝘒𝘯

Almost one year pa lang ako sa pagsusulat para sa GOTO, kaya I still consider myself “young” in this ministry. Baguhan pa rin kung tutuusin. Pero sa maikling panahong iyon, isang bagay ang malinaw kong nakita: hindi tayo tinawag ni God para lumakad nang mag-isa.

Blessed ako na magkaroon ng mga “Kuya” sa buhay koβ€”sina Coach Obet, Bro. JV, Kuya Mike, Kuya Dan, Doc JP at iba pang brothers sa LG. Sa iba’t ibang paraan, ipinakita nila sa akin kung ano ang ibig sabihin ng Christian brotherhood. Hindi dahil pare-pareho kami ng personalidad o pananaw, kundi dahil pare-pareho kaming sumusunod kay Cristo.

Minsan, si Kuya Dan ang nagpapaalala sa akin ng mga commitment ko. Minsan naman, ang iba ang nagbibigay ng payo, correction, o encouragement kapag kailangan. Mga simpleng bagay na madaling balewalain, pero malaking bahagi pala ng paglago natin bilang mga Kristiyano.

May isang illustration tungkol sa baga o ember mula sa uling. Kapag ang isang nagbabagang piraso ng uling ay inihiwalay mo sa iba, unti-unti itong lalamig hanggang sa mamatay ang apoy. Pero kapag nanatili itong kasama ng ibang baga, lalo itong nag-aalab at mas tumatagal ang init.

Parang ganoon din tayo.

Hindi tayo ginawa para maging solo Christians. Kailangan natin ng brotherhood. Kailangan natin ng mga taong magpapaalala kapag nakakalimot tayo, magpapalakas kapag nanghihina tayo, at minsan, magtutulak sa atin pabalik sa tamang direksyon kapag naliligaw tayo.

At hindi lang tayo tinawag para tumanggap ng ganoong tulong. Tinawag din tayong maging “Kuya” rin sa iba. Dahil ang pagmamahal sa loob ng katawan ni Cristo ay hindi lang tungkol sa pagtanggap ng biyaya kundi sa pagbibigay nito.

Bilin ni Jesus sa Kanyang mga alagad: “A new command I give you: Love one another. As I have loved you, so you must love one another.” (John 13:34)

#GOTOΒ #GodOfTheOrdinary
#WFALoveConnects