SA LUMANG BINTANA

π˜‰π˜Ί π˜’π˜Άπ˜Ίπ˜’ π˜‹π˜’π˜―

Kanina, napatingin ako sa lumang bintana ng aking kwarto. Mula roon, tanaw ko ang matagal nang puno ng mangga sa aming bakuran at ang luma kong parking lot. To some, it may look ordinary. But for me, this view carries a lifetime of memories.

Ang bahay na ito ay saksi sa maraming masasayang sandali kasama ang aking mga kapamilya. Ngunit saksi rin ito sa ilan sa pinakamabibigat na yugto ng aking buhay. Dito ko naranasan ang pagkawala ng aking ama, aking ina, at dalawang kapatid. Dito ko rin naranasan ang mga suliranin ko sa aking buhay pag ibig at sa pera. Kaya bawat sulok ng bahay na ito ay may kuwento.

Ngayon, may kinakaharap kaming problema tungkol sa bahay. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa namin ito mapapanatili. At kung minsan, mabigat isipin na baka isang araw ay kailangan namin itong iwan.

Pero naisip ko rin, may mga bagay talaga na may sentimental value na hindi kayang tumbasan ng pera. Ang bahay ay maaaring mawala, pero ang mga alaala, pagmamahal, at mga aral na naiwan dito ay mananatili.

Kaya habang nakatanaw ako sa lumang bintanang iyon, napabuntong-hininga na lang ako at tahimik na nagdasal.

“Lord, Ikaw na po ang bahala sa amin. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari, pero nagtitiwala ako na sasamahan Mo kami saan man kami mapadpad.” Minsan, ang tanging magagawa natin ay ipagkatiwala sa Diyos ang mga bagay na hindi natin kayang kontrolin.

“The Lord is close to the brokenhearted and saves those who are crushed in spirit.” β€” Psalm 34:18

#GOTOΒ #GodOfTheOrdinary
#WFALoveConnects