Ni Mike Sanchez
Sumemplang ang electric mountain bike na inaaral ng anak kong si Jude. Nagkaroon tuloy sya ng mga sugat sa tuhod.
Masakit sa kalooban (dahil mahal ko sya), at masakit din sa bulsa (dahil mahal magpa-repair)!
Naalala ko noong college student pa lang sya. Karate varsity ang anak ko at kailangan nyang mag travel sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas para mag compete. Kailangan kong mag tiwala kapag nagpapaalam siyang mag overnight sa iba’t-ibang lugar.
Mahirap magtiwala.
Lalo na noong first time kong na-witness na masipa at masuntok sya sa isang laban. Parang ako ang sinipa. Biglang sumakit ang sikmura ko.
Naging athlete of the year ng Letran Calamba ang anak ko dahil sa maraming medalya at karangalang naiuwi nya.
Ganito kahalaga ang pagtitiwala. Kapag nag titiwala ka, lumabas ang galing nila.
Kaya ang tanong sa mga hirap magtiwala na mga parents, leaders, o sa kahit sinong assigned na maging guide o coach:
Kailan mo sila bibigyan ng pagkakataong matuto? Kailan mo ipaparamdam sa kanila na pinagkakatiwalaan mo sila kahit sa maliliit na mga bagay?
Tandaan, hindi matututong mamisikleta ang isang tao kung laging mong hawak ang manibela nito.
Tulad ni Hesus, ginabayan nya ang mga disciple sa simula, pero bumitiw din sya at hinayaan ang Holy Spirit na magpatuloy ng paggabay sa kanila.
Hayaan natin silang matuto. Kahit ang kapalit nito ay ang pag semplang nila. Sa tamang paggabay, at tiwala sa Diyos, makakabangon din sila, makakatayo sa sarili nilang mga paa, at maabot ang mga pangarap nila sa buhay.
#GOTO #GodOfTheOrdinary #WFALoveConnects

