Ni Mike Sanchez
Kumakain ako isang karinderya nang may lumapit na bata sa βkin at sinabing, “πΎπ’π¦π, ππβππππ. πΎπβππ‘ πππππ ππππ”.
Pinagalitan sya ng may-ari ng karinderya, tapos bumaling sa kin at sinabing, “π΄πππ π π ππ’πππ¦ πππ πππ π¦ππ. πΏπππππ ππππππππππ πππ πππ βπ¦ππ πππ ππ’ππππ ππ πππ π‘πππ ππππ.”
“π΅πππ¦ππ ππ ππ πππππ ππ‘ πππππ,” sabi ko. “π΄ππ ππ ππππππππ¦ππ.”
Madaming βsanaβ ang tumakbo sa isip ko. Sana mag-improve ang condition ng pamilya nya. Sana may magpakain sa kanya ng regular. Sana may mag rehabilitate sa kanya. Sana may kapangyarihan akong ibigay lahat ng ito sa kanya.
Hindi lang kanin at ulam. Dahil hindi sapat ang naibigay ko sa kanya.
Ang mensahe ng Gospel, ilang araw lang ang nakaraan, ay ang pagpaparami ng tinapay at isda ni Hesus. Sabi ni Philip, “πΎπβππ‘ π€πππππ ππ’π€πππ π πβππ ππ ππ πππ π‘ππ ππ¦ βππππ π ππ ππππ‘ ππππ ππππππππ ππ ππβππ‘ π‘πππππππ’ππ‘π πππ πππ ππ‘π.β (John 6:1-15). Tama sya..
Libu-libo din ang mga batang lansangang tulad ng batang ito. Pano magbabago ang buhay nilang lahat?
Ang sagot? Mula sa isang batang nagbigay ng 5 tinapay at 2 isda. Libu-libong tao ang nakakain dahil sa himala na ginawa ni Kristo sa ibinahagi ng isang bata.
Magbigay ka, kung anong meron ka- hindi kapag marami ka na.
Hindi hinihingi ni Hesus ang limpak-limpak, ang perpekto, ang sobra- sobra. Ang hinihingi Niya ay kung anong meron kaβkahit maliit, kahit bitin.
Isuko mo sa Dyos ang kakaunti mo, at hayaan mong Sya ang magparami nito. Dahil sa kamay ng Diyos, ang kaunti ay nagiging sapat, at ang sapat ay nagiging higit pa.
Sa pagbibigay nagsisimula ang himala.
Grabeng himala ang natanggap ko nang araw na yon. Yun ay nang narining ko sa bata ang mga katagang, “ππππ π’, ππ’π¦π”.
Lihim akong napaluha. Konti man ang naitulong ko sa kanya, sobra sobra naman ang ibinahagi nya sa akin: na maramdaman si Kristo sa kanya.
πΉπ¬ππ³π¬πͺπ»π°πΆπ΅: Anong meron ka sa buhay mo ngayon? Oras? Yaman? Talent? Pagmamahal? Pagpapatawad? Ibahagi mo ito, kahit konti lang.
#GOTOΒ #GodOfTheOrdinaryΒ #WFALoveConnects

