ππ ππ¦πππ πΌπ πππππ
Ugali kong tumingin sa Facebook Memories bago ako matulog. Madalas kasi inaabot ako ng pasado alas dose kaya nakikita ko na yung memories for the next day bago ako matulog. Iba talaga dapat ang post ko ngayon. Pero nung tumingin ako sa FB Memories nakita kong anniversary nga pala ngayon ng God Of The Ordinary or GOTO.
Oo, mga ka-GOTO pangalawang taon na natin ito. Dalawang taon na tayong magkakasamang ninanamnam ang init ng pagmamahal ng Diyos mula sa sharing ng mga ating mga manunulat. Dalawang taon ng mga nakakatuwa, nakakatawa at nakakaiyak na mga kwento. Mga kwentong pumukaw sa ating mga damdamin at pinaalala sa atin na mahal na mahal tayo ni Lord.
Kung ihahalintulad natin ito sa isang bata, halos kakatuto pa lang nitong maglakad, marami pa siyang gustong subukan at tuklasin. At ganyan din po ang pakiramdan ng ating mga GOTO writers. Naguumpisa pa lang tayong umarangkada, marami pa kaming gustong alamin at tuklasin para mas mapasarap namin ang inyong pagbabasa.
Naalala ko pa kung paano nagumpisa ang concepto ng GOTO, simpleng kwentuhan lang sa coffee shop. Nagbrain storming kami kung paano papataasin ang engagement ng WFA FB Page.
Dapat may daily post tayo, pero saan tayo kukuha ng content creators na magpopost everyday at nagkatinginan kami ni Mike Sanchez.
βEh Kung tayo tayo na lang ang magsulat.β At dun na nga nabuo ang God of the Ordinary na kinalaunan ay naging God Of The Ordinary or mas kilalang GOTO.
Sa mga kapwa ko manunulat sa GOTO, MARAMING SALAMAT! Alam kong mahirap, nakakaubos ng oras at nakakatuyo ng brain cells ang pagsusulat kaya minsan parang gusto mo nang umayaw. Pero gusto lang sabihin ito, kung meron lang isang tao na nabless dahil sa sinulat mo sapat na iyon. Remember that the good shepherd left the 99 for that one sheep that was missing.
Nasa Pangalawang Sandok na tayo at hindi pa tayo natatapos, dahil ang blessings ni Lord ay Eat-All-You-Can. Happy 2nd Anniversary mga Ka-GOTO

