ššŗ šš¶šŗš¢ šš¢šÆ
This year feels different. First time kong magpapasko na wala na si Nanay. Ramdam ko na may kulang, may katahimikan na dati ay puno ng tawanan, kwentuhan, at amoy ng paborito naming handa. Sobrang lungkot. Hindi ko alam kung paano ko ise-celebrate ang Pasko na wala siya.
At parang hindi pa sapat iyonāmay sakit pa ang helper namin na nag-alaga kay Nanay hanggang huli, at inaabangan pa namin ang final advise ng doctor tungkol sa operasyon niya sa matres. Mahal ko na rin siyang parang pamilya, kaya mabigat din sa loob ko ang pinagdaraanan niya.
Tapos ang anak ko⦠na ilang beses ko nang inasam makita ngayong taon⦠hanggang ngayon, wala pa rin. Ang daming pagsubok. Magpapasko pa naman.
Pero sa kabila ng lahat ng ito, tuloy pa rin ang Pasko. Hindi dahil nagbibingi-bingihan ako sa sakit o nagpapatatag kunwari⦠kundi dahil may mas malalim na dahilan para ipagdiwang ang araw na ito.
Ang Pasko ay hindi tungkol sa kung kumpleto ba tayo. Ang Pasko ay tungkol sa Diyos na kumukumpleto sa atin.
May lungkot, oo. May kirot. Pero may magandang biyaya na paparating. May mga bagay na nawala, pero may mga pangako ring hindi kailanman mawawala.
Ang Pasko ay paalala na sa madilim na gabi, may Star of Bethlehem pa rin. Sa katahimikan ng sabsaban, may Sanggol na nagdadala ng pag-asa. Sa gitna ng kawalan, may Diyos na dumarating para punuan tayo.
Kaya paano ko ice-celebrate ang Christmas ngayong taon?
Siguro⦠tahimik. Siguro⦠simple lang. Pero totoo… At puno ng pasasalamat sa mga natitirang biyayaākalusugan, mga tunay na kaibigan, trabahong pinagkakaloob, at pag-asa na hindi nauubos.
At higit sa lahat, may pananalig na kahit hindi ko makita ang buong dahilan ngayon, si EmmanuelāGod with usāay kasama ko.
Kaya tuloy ang Pasko. Hindi dahil madali. Kundi dahil mahal tayo ng Diyos, at Siya ang tunay na dahilan kung bakit mayroon pang bukas⦠at may bagong pag-asa.
#GOTOĀ #GodOfTheOrdinary
#WFALoveConnects

