π΅π¦ ππ¦πππ πΌπ πππππ
Kakapark lang ng kotse ko para bumili sa isang convenient store.
As usual nandun yung mga kaibigan kong βπππππππ β. Sila yung batang tutulong sayo kapag umaatras na yung kotse mo sabay katok sa bintana βKya Pembaryaβ
Narinig ko silang naguusap
βBili tayo ng pagkain.β Sabi nung unang bata
βKulang pa pera natin ng otso.β Sagot ng pangalawang bata. Nagbilang bilang siya ng barya at sabi nya βTrese pa pala ang kulang.β
Ang malungkot sakto lang ang pera ko nung araw na yun at wala rin akong natirang barya o kaya biskwit man lang sa loob ng kotse.
Nung nagbabayad na ako tinanong ko lang yung kahera βMay PWD discount ba itong mga binili ko?β
βAy opo sir, pahiram ng lang ng PWD ID.β
Inabot ko yung ID ko at nabigyan ako ng discount. Nakadiscount ako ng bente pesos. Dalawang pirasong sampung piso ang inabot sa akin ng kahera.
Napatigil ako sa kinatatayuan ko at napabulong βLord hindi ka talaga papatalo, hindi ka papayag na hindi ko matulungan ang mga batang ito.β
Paglabas ko ng tindahan inabot ko dun sa dalawang bata yung bente pesos ko sabay sabi ng βKain na rin kayo.β
Tuwang tuwa silang pumasok sa loob ng convenient store para bumili ng pagkain nila.
Napaisip talaga ako nung araw na yun. Kahit walang wala na tayo basta nanaiisin nating tumulong gagawa ang Panginoon ng paraan para makapagbigay tayo. Dahil sa Diyos never tayong nagkulang, minsan sobra, minsan sakto lang, pero hinding hindi magkukulang.
#GOTO
#GodOfTheOrdinary
#WFALoveConnects

