๐๐ฆ ๐
๐๐ ๐๐ข๐๐๐๐๐
Kamakailan, isang balita ang nagpaligalig sa isip ko: isang lolo ang walang awang binugbog ng isang binata sa loob ng jeep.
Nakalulungkot. Nasaan na ang respeto at paggalang sa mga nakatatanda?
Sa gitna ng ngitngit, napatanong ako: โ๐ต๐๐๐๐ก ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ฆ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐ฆ๐๐ ๐๐ ๐ก๐ข๐๐๐๐๐ ๐ก๐๐ฆ๐?โ
Siguro, paalala ito na ang lakas natin ngayon ay hiram langโisang biyayang dapat gamitin sa kabutihan at paglilingkod. Paalala rin ng ๐๐ฌ๐๐ฅ๐ฆ ๐๐:๐๐, โ๐โ๐๐ฆ ๐ค๐๐๐ ๐ ๐ก๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ข๐๐ก ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐, ๐กโ๐๐ฆ ๐ค๐๐๐ ๐ ๐ก๐๐ฆ ๐๐๐๐ โ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐.โ
Kahit pumuti ang buhok at manghina ang tuhod, may natatanging karunungan at pagmamahal pa ring maibabahagi ang mga nakatatanda.
Sa mundong madalas puno ng karahasan, may isang matandang nagpaalala sa akin: โ๐๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐๐ฒ ๐ง๐๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ค๐๐๐ฎ๐ญ๐ข๐ก๐๐ง ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ ๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ.โ
Ang hamon sa atin: Paano natin ginagamit ang ating lakas ngayon? At sa ating pagtanda, anong klaseng bukas ang iiwan natin sa susunod na henerasyon?
Huwag nating hintaying mawala ang ating lakas bago tayo magsimulang magbago. Sa pagmamahal at kabutihan, doon natin matatagpuan ang tunay na yaman na hindi kailanman mananakaw ng sinuman.
#GOTOย #GodOfTheOrdinary #WFALoveConnects

