by Red Tumamak
Ordinaryong Martes. Akala namin normal lang ang araw sa opisina. Pero biglang nagulantang ang lahatβnakita namin ang janitress sa kabilang department, nakahiga sa couch, hindi na gumagalaw.
Nagdatingan ang emergency responders pero huli na. Wala na siya.
Kahapon lang, masigla pa siya. Ngumiti pa sa amin. Walang sakit, walang anumang senyales. Kilala siya sa pagiging masipag, mabait, at laging may ngiti.
Nang dumating ang anak niya, umiyak ito habang yakap ang inang hindi na magising. Doon kami tuluyang nadurog.
Bigla naming na-realize: Gaano nga ba kaikli ang buhay?
Akala natin laging may bukas. Pero ang totoo? Walang kasiguraduhan.
Kaya ngayon, tanungin natin ang ating mga sarili: Para saan o para kanino tayo gumigising? Para sa trabaho? Sa bills? Sa pressure ng mundo?
O para sa Diyos, sa mga taong mahal mo? Para sa sarili mo?
Ang bawat gising ay hindi lang biyayaβito ay paanyaya.
Magmahal. Magpatawad. Magpasalamat. Mabuhay nang may saysay.
Habang may oras pa kaibigan… gawing makahulugan ang bawat gising.
James 4:14 (NIV):
“πβπ¦, π¦ππ’ ππ πππ‘ ππ£ππ ππππ€ π€βππ‘ π€πππ βπππππ π‘πππππππ€. πβππ‘ ππ π¦ππ’π ππππ? πππ’ πππ π πππ π‘ π‘βππ‘ πππππππ πππ π πππ‘π‘ππ π€βπππ πππ π‘βππ π£ππππ βππ .”

