ni Mia Sanchez
57-taong gulang na ako ngayon. Marami na akong pinagdaanan sa buhay sa edad kong ito.
Noon: black and white lang ang TV noong bata pa ako. Walang internet. Walang cellphone.
Ngayon: may internet, mobile phone, artificial intelligence, at kung anu-ano pang scientific advancements.
Malaki ang pagkakaiba ng mundong kinalakihan ko kumpara sa kinalakihan ng mga anak ko.
Pero may isang similarity ang bawat henerasyon: malalim na emptiness. Sense of uncertainty. Pakiramdam ng kawalang katiyakan.
Pero, iba-iba man ang panahon, pare-pareho lang ang pagdadaan nating preseso.
Tulad ng pagtatanim. May panahong magtanim at may panahon para umani.
Ang lahat ng bagay ay may panahon, at ang bawat panahon ay may divine purpose na Dyos lang ang lubusang nakakaunawa.
Kahit saan mang generation tayo galing, pwede natin gawing kapaki-pakinabang ang ating mga generational experiences.
May panahon ng pagkakamali, at may panahon na itama ang pagkakamali.
At kung may uncertainty man, o sense of emptiness, tandaan na may takdang oras lang ito. Hindi ito magtatagal.
Ang kapayapaan ay darating pag natuto tayong lumuhod sa harap ng Diyos at magtiwala sa kamay ng lubos na nakakaalam.
“πΌπππππππππ πππ¦π πππ ππβππ‘ ππ πππππ¦ π π π‘πππππ ππππππβπ’πππ”
-πΈππππππ πππ π‘ππ 3:1-
#GOTOΒ #GodOfTheOrdinaryΒ #WFALoveConnects

