ETO NA NAMAN TAYO

𝑁𝑖 𝑂𝑦𝑖𝑛𝑔 πΌπ‘ π‘–π‘‘π‘œπ‘Ÿπ‘œ

New Year, New Me.

Pero yung mga sinulat mong New Year’s resolutions ay mga sinulat mo rin last year, nung 2024, 2023, 2022… parang ilang taon mo na siyang sinusulat pero hindi mo pa rin magawa ng maayos.

Ilang taon mo na sinubukang magpapayat, yung mga damit sa closet kinakausap mo β€œπ»π‘–π‘›π‘‘π‘– π‘˜π‘œ π‘šπ‘’π‘›π‘Ž π‘˜π‘Žπ‘¦π‘œ π‘–π‘‘π‘Žπ‘‘π‘Žπ‘π‘œπ‘›, π‘–π‘ π‘’π‘ π‘’π‘œπ‘‘ π‘˜π‘œ π‘˜π‘Žπ‘¦π‘œ π‘π‘Žπ‘”π‘π‘’π‘šπ‘Žπ‘¦π‘Žπ‘‘ π‘Žπ‘˜π‘œ.” halos magiisang dekada na silang hindi nakakalabas ng closet.

O yung mga linyahang β€œπΌ 𝑀𝑖𝑙𝑙 π‘œπ‘Ÿπ‘”π‘Žπ‘›π‘–π‘§π‘’ π‘šπ‘¦ 𝑙𝑖𝑓𝑒”, pinilit mong makuha yung maganda mong planner at halos magpalpitate ka na kakainom ng kape , pero yung planner hangang Holy Week mo lang naman nasusulatan.

Yung gym membership na hangang February lang.

Ilan lang ito sa mga failed attempts natin para magbago at maayos ang ating mga buhay. Madalas frustrating. Dumating nga ako punto ng buhay ko na tinamid na ayokong magsulat ng new year’s resolution, sa isip isip ko β€œNiloloko ko na alng sarili ko eh.”

Pero doon ko rin na realize nung hindi ako nagsulat parang mas nawalan ng direction ang buhay ko. Kasi kahit na huminto ka sa kalagitnaan ng taon, alam mong may naumpisahan ka at hindi mo man ito matapos, alam mong meron kang gustong marating sa susunod na taon, kaya uumpisahan mo uli.

ClichΓ© nang sobra yung habang may buhay may pagasa, pero totoo eh. Di bale nang paulit ulit ang sinusulat nating resolutions kesa naman tumigil na tayong mangarap.
Kaya sige lang, bumili ka ng magandang planner, magenroll ka ul isa gym, kausapin mo yung mga damit sa closet at sabihin mong this year masusuot ko na kayo uli. Dahil kahit paulit ulit, mas mabuti nang sumubok kesa sumuko.

 

#GOTO #GodOfTheOrdinary #WFALoveConnects