ππ ππ¦πππ πΌπ πππππ
Naisip mo ba kung paano ang Noche Buena sa halagang 500? Well hindi yan ang topic ko. Hehe
Gusto ko lang ishare kung anong nangyari sa nakaraang Christmas Party ng WFA. Tulad ng aming nakasanay, maghahanda kami ng 3 putahe para sa lahat at kung sino man ang gusto pang magdagdag, feel free to share lang. Ito yung party na Semi-potluck. Meron nang handa pero pwede pang dagdagan.
Ang nakakatuwa lang kasi dito, lahat ng nagpunta ang iniisip baka kulang yung pagkain at baka maubusan yung iba, kaya nagdala sila ng konting pasobra. At dahil lahat nagdala ng konting pasobra, sobra sobra ang pagkain. Katunayan pati yung yelo hindi na magkasya sa cooler, dahil ang dami rin nagdala ng yelo.
Dito ko lang narealize kapag ang mindset mo βBaka kulang pa para sa iba?β
Magdadagdag ka ng konti at dahil lahat nagdagdag ng konti laging may sobra at lahat tayo makakatangap. Kapag ang nakararami ay handang magbigay makakaasa walang kakapusin.
At sa tingin ko yan ang diwa ng pasko, masaya ako kasi nakita ko siyang buhay sa WFA naway manatili rin itong buhay sa inyong mga pamilya, opisina at comunidad.
#GOTO
#GodOfTheOrdinary
#WFALoveConnects

