𝐛𝐲 𝐉𝐕 𝐃𝐞 𝐕𝐞𝐫𝐚
May mga araw na gusto ko na lang i-mute ang balita, sabihin na lang, “𝘉𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘭𝘢.” Pero naaalala ko, parte ng pagmamahal ko sa Diyos ang pagmamahal sa bayang minamahal Niya at bilang Pilipino, Pilipinas yun.
Naalala ko si Jesus sa temple: nagalit Siya, oo, pero may direksyon. Hindi para manlait kundi para ituwid ang mali.
Kaya nitong mga nakaraang araw, sinubukan kong baguhin ang tingin ko sa mga ganitong bagay. Simple adjustments lang: huminga muna bago mag-react, mag-fact-check bago mag-share, at magsalita nang kalmado kapag may nakikitang mali. Walang drama, pero totoo.
For me, I realized na maliit lang ang boses ko, pero boses pa rin yun at may bigat lalo na kapag naka-anchor kay Lord.
𝐅𝐨𝐫 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐰𝐞𝐞𝐤, 𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐭𝐨𝐭𝐨𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐧𝐢𝐧𝐝𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐦𝐨?
#GOTO
#GodOfTheOrdinary
#WFALoveConnects

