VERSION 1.0

ni 𝑂𝑦𝑖𝑛𝑔 πΌπ‘ π‘–π‘‘π‘œπ‘Ÿπ‘œ

Habang nagdadasal nabasa ko yung Matthew 18:3 β€œunless you turn and become like children” Ano nga ba ako nung bata pa? Bukod sa cute at bibo.Β πŸ˜ƒ

Napatigil ako sa pagdadasal at sinubkan kong sagutin yung tanong na naglalaro sa isip ko. β€œAno nga ba ang batanng version ni Oying, yung Version 1.0?”

Mahilig maglaro ng Lego at mga action figures tulad ng GI Joe at He-Man. Bawal din maglaro ng matagal sa ilalim ng araw kasi hikain ako noon mabuti na lang nakalakihan ko yung asthma kaya natuto akong magbasketball.

β€œPaano nga ba ako bilang estudyante nung grade 1?” Yan ang pangalawang tanong na sumagi sa isip ko. At naalala ko yung unang turo sa akin ni Mommy habang gumagawa ako ng homework

β€œAnak kapag may homework ka, subukan mo munang gawin mag-isa kasi baka naman kaya mo na. Pero kung mahirapan ka na tawagin mo ko.”

At doon biglang naging malinaw kung ano ang message sa akin ni Lord.

Wag kang matakot sumubok.
Habang tumatanda tayo madalas gusto natin yung nakasanayan na. Comportable na tayo dun at maayos naman bakit pa natin susubukan ang iba. Katulad ng pagcareer shift ko from teacher to insurance adivsor. Mahirap kasi takot akong magkamali, takot akong mapahiya. Pero hindi mo malalaman na kaya mo kung hindi mo susubukan

At ang pangalawang message ni Lord, kung mahirapan ka wag kang mahiyang humingi ng tulong.

Habang tumatanda tayong parang naiisip natin na abala sa ibang tao ang paghingi ng tulong, kaya madalas mas gusto na lang natin sarilinin. Pero hindi tayo nagiisa, laging nandyan ang Diyos handa tayong tulungan.

Ikaw, ano ang version 1.0 mo?


#GOTO
#GodOfTheOrdinary
#WFALoveConnects