KITA KITA

Written by Mike Sanchez

 

Noong nasa college pa ang anak ko, madalas kong pinapanood ang mga karate competition nya.

Ako ang nag encourage sa kanyang pasukin ang mundo ng martial arts- high school sophomore pa lang sya noon.

Pumupunta ako sa mga laban nya.
May pagkakataon na sumali sya sa isang National competition at sa Cebu ang venue ng laban nya. Excited akong nag leave sa trabaho at nag-book ng flight para lang mapanood sya.
Minsan, meron syang isang fierce ng competition. Nasipa sya sa likod. Napa-iri ako na parang ako ang tinamaan.
Kahit medyo traumatic experience, I want to be there. I want her to know na nandon ako.
Andon ako noong white belt pa lang sya. Nandoon ako hanggang maging black belter sya.
Kung ginagawa ito ng isang imperfect na tatay sa anak nya, how much more ang ating perfect na heavenly Father?
There is no place nor situation where God is absent. He is omnipresent. Present everywhere, at all times.
Kasama mo Sya.
God is there in your celebrations, in your difficulties, and pain.
Nakikita ka Nya.
Excited sya sa mga accomplishments mo. At naiintindihan ka Nya sa mga diffuculties mo.
Lagi kang nasa isip Nya. Mahal ka Nya.
Kaya ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, know that God never leaves you, nor forsakes you. Lagi Nyang bukang bibig: β€œkita kita” (I see you).
“𝐼 𝑀𝑖𝑙𝑙 𝑏𝑒 π‘¦π‘œπ‘’π‘Ÿ πΊπ‘œπ‘‘ π‘‘β„Žπ‘Ÿπ‘œπ‘’π‘”β„Žπ‘œπ‘’π‘‘ π‘¦π‘œπ‘’π‘Ÿ π‘™π‘–π‘“π‘’π‘‘π‘–π‘šπ‘’β€” 𝑒𝑛𝑑𝑖𝑙 π‘¦π‘œπ‘’π‘Ÿ β„Žπ‘Žπ‘–π‘Ÿ 𝑖𝑠 π‘€β„Žπ‘–π‘‘π‘’ π‘€π‘–π‘‘β„Ž π‘Žπ‘”π‘’. 𝐼 π‘šπ‘Žπ‘‘π‘’ π‘¦π‘œπ‘’, π‘Žπ‘›π‘‘ 𝐼 𝑀𝑖𝑙𝑙 π‘π‘Žπ‘Ÿπ‘’ π‘“π‘œπ‘Ÿ π‘¦π‘œπ‘’. 𝐼 𝑀𝑖𝑙𝑙 π‘π‘Žπ‘Ÿπ‘Ÿπ‘¦ π‘¦π‘œπ‘’ π‘Žπ‘™π‘œπ‘›π‘” π‘Žπ‘›π‘‘ π‘ π‘Žπ‘£π‘’ π‘¦π‘œπ‘’.”- πΌπ‘ π‘Žπ‘–π‘Žβ„Ž 46:4 𝑁𝐿𝑇
#GOTO #GodOfTheOrdinary #WFALoveConnects